Buwan ng Wika 2024: Filipino, Wikang Mapaglaya
Agosto 22, 2024 — Pormal na ginanap ang kulminasyon ng Buwan ng Wika sa Colegio de San Pedro-Recoletos, na may temang: “Filipino, Wikang Mapaglaya.” Ang buong komunidad ng CSP-R ay naging isang masayang nayon, sabayang ipinagdiwang ang kasiyahan sa pamamagitan ng iba’t-ibang patimpalak tulad ng Vocal Duet, Two-Act Play, at ang hindi mawawalang Lakan at Lakambini, kung saan ang mga magagaling na kabataan ay nagtagisan ng husay at ipinakita ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.












Nagkaroon din ng Pista sa Nayon, kung saan ang mga Petrinians ay masayang nagsalu-salo. Sa hapon naman ng naturang araw, nagkaroon ng pagkakataon ang mga estudyante at mga guro na makilahok sa mga larong Pinoy, tulad ng Sack Race, Bagol Race, Chakay, Paluan ng Palayok, at Tabo sa Banay. Natapos ang kulminasyon sa pag-aanunsyo ng mga nanalo sa mga patimpalak, kabilang na ang paggawa ng tula, sanaysay, poster, at bulletin board. Tunay ngang masaya maging isang Pilipino, lalo na at batid natin ang ating kalayaan sa sariling bansa at wika.